Saturday, September 13, 2014

Masubukan Nga

Nagsusulat ako para ma-improve ang aking writing skills (na feeling ko meron naman ako). Pero ang palagi kong ginagamitna medium ay English. Simula palang kasi elementary, pina feel na sa akin ng buong mundo na hindi ako magaling dito. At tinatanggap ko naman ang katotohanan. Kaya nga hanggang ngayon pinagpapatuloy ko, para mapabuti ko pa at mas matuto pa ako. Pero nung isang araw, meron akong nakitang blog post na tagalog. At dahil dun na inspire ako na subukan. Bakit hindi, di ba?

Lumaki ako na palaging nagtatagalog ang Papa ko pero aminado ako na kailanman hindi ako naging komportable sa wikang ito. Parang nawawala lahat ng confidence ko kapag nagtatagalog ako. Kailanman ay hindi ako naging matatas sa pagsasalita. 

At dahil nakatunganga lang ako buong araw,  ayaw kong lumabas kasi medyo hindi maganda ang panahon, biglang sumagi sa isip ko na bakit hindi ko subukan na magsulat ng tagalog. Siguro matatanggap naman ng kung sino man ang makakabasa kung hindi ko man makuha ng tama ang rules sa pagsusulat. Hindi ko na din naman iniisip ang grammar kahit English sinusulat ko eh. Haha

So masubukan nga. Ang susunod na iilang post ay magtatagalog ako. Mejo marami rami yun, lalo na at gusto ng sumabog nitong dibdib ko at ng utak ko sa dami ng emosyon nakatago at sa madaming bagay na tumatakbo sa isipan ko.

Simulan na to!



No comments:

Post a Comment