Noong nagsisimula palang ako sa mga crush crush na yan, aaminin ko na napakahilig ko bigyan ng kahulugan ang lahat. Lalo na nung una kong na feel na nainlove ako. May tumutugma naman. Ngunit yun yung mga bagay na masakit. At kahit after almost 10 yrs ko na nalaman, tama pala talaga ako. Hahaha nakakatawa. Buti nalang andun na ako sa point na pwede ko na tawanan ang lahat. At oo, natuto na ako. Naging maingat na ako. Kahit pa lahat ng nasa paligid ko ang nag aassume og nagbibigay kahulogan sa lahat ng nangyayari, hindi ako. Iwas na ako sa trouble. Hahaha Pero siguro sadya lang akong matalino (pasensya at nagbuhat ako ng sariling bangko). May pagkakataon na pag feel ko na mag assume, tama naman. Yun nga lang, mga masasakit na bagay ang napi-feel ko. Nakaka-offend pa nga kadalasan. Pero hindi ko pinipiling ma-offend. Mas pinipili ko na umintindi.
Lalo na ngayon sa trabaho. May mga tao na ang hilig mag side comment. Kahit hindi ka pa mag assume, alam mo na ikaw ang pinaparinggan. At kahit ginagawa mo lang ang trabaho mo, pinepersonal ka pa din ng ibang tao. Nakakainis na minsan, dapat mo nalang intindihin. Kahit hindi ikaw ang may kasalanan, ikaw dapat ang mag sorry kasi ikaw ang mas nakakaintindi. Pero sana nga lang dumating ang panahon na yung mga taong hindi deserve ang respect mo pero nirerespeto mo pa din, ay matutong pahalagahan ang respect na yun. At sana maisip nila na hindi naman masama umamin ng kamalian. Lahat naman nagkakamali.
No comments:
Post a Comment