Thursday, September 18, 2014

Walis-Walis

Ang saya lang ng naging laro kagabi. Ang dami kong tawa. Ang pinapahulaan ay Waling-Waling, eh hindi kilala ni Jackson kung ano yan. Hahaha Ang ginawa, sounds like walis... Kaya naging walis-walis. Hahahah Buti nalang naisip ko yun.

Ang sarap lang sa pakiramdam ang tumawa. Sana ganun nalang palagi. Sana may mga bagay na makakapagpatawa sa akin. Mababaw lang naman kaligayahan ko eh. Madali lang naman sana. Desisyon mo naman yun na maging masaya. Di lang talaga maiiwasan minsan na umasa ka na maging masaya ng dahil sa ibang tao o dahil sa ibang bagay. 

Kung kilala mo ang sarili mo, alam na alam mo yung mga bagay na yun o kilalang kilala mo yung mga taong yun. Masaya ako kapag nakakausap ko mga magulang ko. Masaya ako kapag nakikipagbiruan ako sa mga kaibigan ko. Masaya ako kapag nakakalaro ko mga aso ko. Masaya ako kapag nakakabasa ako ng magandang libro o artikulo. Pero may isang bagay na nakakapagpasaya sa akin na nakukuha ko lang sa piling tao. Nagdudulot sa akin ng kaligayan na makipag usap sa tao na kaya akong barahin. Na kayang ipakita ang mali sa pinapaniwalaan ko. Na kayang sabihing mali ako. At kadalasan nakukutya ako dahil sa mga taong ito. Kasi binibigyan ng kulay kung bakit gustong gusto ko ang mga taong ito. Pero hinahayan ko na. Minsan siguro talaga sa buhay, hindi natin maiintidihan kung bakit ginagawa ng tao ang isang bagay. Pero wala din tayong karapatan na husgahan. Eh sa kung yun ang kaligayahan nila.

Ang gulo lang ng pinagsasabi ko no? 

Ganito lang talaga nais kong sabihin. Gusto ko maging masaya. At kahit na hindi ito ang pinakamagandang sitwasyon para sa akin, pinipili ko maging masaya. At kumakapit ako dun sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. Alam ko mawawala yung mga bagay na yun, pero habang andito pa, bakit ko bibitawan? Wala namang masama sa ginagawa ko. Hindi naman ako nang-aapak ng ibang tao. 

No comments:

Post a Comment