Para maiba lang, susubukan kong magsulat gamit ang Pambansang Wika. Kinakabahan ako kung mapaninindigan ko ito. Pero ika nga, di ko malalaman kung hindi ko susubukan.
Anong nangyari sa ating dalawa? Ito ay ang kantang nanalo sa isang patimpalak sa telebisyon. Gustong-gusto ko ang kanta. Hindi lang dahil sa maganda ang pagkakaawit pero dahil sa kung gaano katagos sa puso ang letra. At gusto ko rin sagutin ang tanong. Anong nangyari sa ating dalawa mahal kong kaibigan?
Ang laki ng pinagbago ng kung ano tayo. O baka dahil ako ang nagbago. Walang nagbago sa nararamdaman ko. Kaibigan ka pa rin para sa akin. Natatakot lang ako o siguro nahihiya. Nasanay kasi ako na ikaw takbuhan ko sa halos lahat. At ayoko nang masanay. Alam ko kasi na hindi sa lahat ng oras andiyan ka. Alam ko na kung anong konting oras meron ka pagkatapos ng trabaho mas ilalaan mo sa isang tao. Ayoko na dumating yung panahon na mas masasaktan ako dahil nasanay ako sa kung ano tayo.
Matagal na akong sumuko. Paulit ulit ko itong sinasabi para tumatak sa utak ko. Para hindi ko makalimutan. Ang hirap. Ang hirap ng ganito. Gusto kitang kausapin pero nagdadalawang isip ako. Ang dami kong gustong sabihin. Gusto ko marinig boses mo. Gusto kita makita. Pero hindi pwede. Parang mali.
Sobra na siguro kitang namiss. Hindi ko na maintindihan kung ano ang nangyayari.
No comments:
Post a Comment